"Inflation Rate Is Low, Our Economy Is Booming!" (A-M-B-O-T 😒)

Isang satirical take sa “mababa na ang inflation” na hindi naman ramdam sa palengke. Gamit ang presyo ng manok at “palengke index,” ipinapaliwanag kung bakit bumabagal lang ang pagtaas ng presyo pero mataas pa rin ang bilihin—kaya hirap pa rin ang ordinaryong Pilipino kahit maganda ang press release ng gobyerno. (ambot đŸ€Šâ€â™‚ïž)

ECONOMYBUSINESS

Dr. Derek Presto

7/30/20253 min read

Hindi ko alam ha, pero masaya ako sa palengke kasi feeling ko sobrang pogi ko. Lahat ng tindera tinatawag akong pogi—"Hoy pogi, bili ka ng tahong ko, sariwa 'to!"

Sa palengke ang una kong classroom sa economics. Hindi man nila diretsong tinuturo ang economic theories at terminologies, pero makikita mo talaga ‘yung fundamentals sa actual na nangyayari. Mapapansin mo agad ang pagtaas ng presyo ng bilihin at ‘yung pagkakaiba-iba ng presyo depende kung saan nakapwesto ang tindahan. Halimbawa, kapag sa bukana ka ng palengke bumili kung saan mas matao, mas mahal ang presyo kumpara sa looban.

Pero ang pinakaimportanteng observation: inflation. Halos kada linggo nag-iiba ang presyo ng bilihin—hindi siya napapako sa isang halaga, at kadalasan pataas. In just three years, parang rollercoaster ang presyo ng mga bilihin.

Sa palengke ng Marikina, doon mo makikita ang pinakamababang presyo kumpara sa ibang palengke sa Maynila. Kaya kapag nasanay ka sa Marikina tapos napadpad ka sa grocery o ibang lugar, mapapamura ka sa price difference.

Makikita mo rin kung gaano ka-likot ang presyo. Katulad ng manok: noong 2022 nasa ₱140/kilo lang, tapos naging ₱150, ₱160... Matagal siyang tumigil sa ₱180 from 2024 hanggang early 2025. Pero kamakailan, bigla itong sumirit sa ₱210 per kilo. Bumaba ulit ngayon, pero hindi na ‘yan babalik sa ₱140. As of this writing, nasa ₱190 per kilo na.

Ito ang tinatawag na inflation.

Madalas itong ginagamit ng gobyerno bilang batayan ng economic performance. Katulad ngayon, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), bumagsak na raw sa 1.4% ang inflation rate nitong June 2025 (PSA). At siyempre, ito ang piangmamayaabang at madalas propaganda ng gobyerno na gumaganda ang ekonomiya.

Pero ang tanong: nararamdaman ba natin ito?

Kung mababa ang inflation, bakit parang walang nagbago?

Kasi, ang inflation rate ay hindi sukatan ng kung mura o mahal ang bilihin. Ito ay sukatan ng bilis ng pagtaas ng presyo. Ang basis nito ay ang Consumer Price Index (CPI), na kinokolekta sa iba’t ibang lugar sa bansa. May standard computations ang PSA, pero ang simpleng kahulugan niyan:

Kahit bumaba ang inflation rate, hindi ibig sabihin bumaba ang presyo. Ang ibig lang sabihin, bumagal ang pagtaas.

Balik tayo sa example ng manok:

  • 2022 – ₱140-150

  • 2023 – ₱150-160

  • 2024 – ₱160-180

  • 2025 – ₱180-210

Noong 2024 to early 2025, mabilis ang pagtaas—mataas ang inflation. Ngayon na bumagal sa 1.43%, hindi ibig sabihin bumaba na ang presyo. Ang presyo ngayon ay mataas pa rin, nasa ₱190/kilo.

Kaya hindi mararamdaman ng karaniwang Pilipino ang "pagbaba ng inflation" kasi isa lang ito sa maraming metrics ng economic performance. Pero gaya nga ng sabi ko: hindi lahat tayo nakakaintindi ng economic theory.

Ang naiintindihan ng karaniwang tao ay simple:

“Kapag ang ₱1,000 mo, konti na lang ang nabibili — may problema.”

O kaya:

“Kahit mahal ang bilihin, basta may sapat kang kita, hindi ka kinakabahan kung may pambili ka sa susunod na araw.”

Ano ba talaga ang pamantayan nating mga ordinaryong Pilipino?

  1. Purchasing power ng piso mo.

Kung dati ang ₱1,000 ay kaya ang isang linggong pamalengke, ngayon pang-dalawang araw na lang. Tawagin natin itong “palengke index” — ito ‘yung tunay na sukatan ng epekto ng presyo sa araw-araw nating buhay.

  1. Dami ng opportunities — trabaho o negosyo.

Marami bang available na trabaho? Madali bang magtayo ng negosyo? Marami bang namumuhunan?

Ito ang mga bagay na may tunay na epekto sa buhay natin. Ang barometro ng ekonomiya ay hindi graphs o statistics, kundi ang laman ng tiyan at kakayahang magbayad ng bills.

Sa totoo lang, ayon sa Central Information Corp. (CIC), ang average credit card debt ng Pilipino ay ₱54,000 (as of July 2025). Sa leaps and bounds ang consumer borrowing—credit card Loans lang umabot na sa PHP 680 bilyon (doble mula PHP 428 bilyon in early 2022). Household debt-to-GDP ratio ay mababa pa rin (11.7%) pero ang ratio ng credit card debt-to-income ay nasa 425%— pinakamataas sa region.

Ibig sabihin kahit middle class o working class ay nahihirapan. Hindi consistent ang sinasabi ng low inflation at ang tunay na sitwasyon ng tao.

The truth is, inflation rate can never be the sole indicator of economic performance. High or low, inflation is a double-edged sword. It can be good or bad depending on the context.

Kaya next time na marinig mo ang gobyerno na parang bida sa stage habang sinasabi nilang gumaganda ang ekonomiya dahil mababa ang inflation


Eh ‘di ambot sa imong lubot!